ika-21 ng Oktubre
- Oct 21, 2017
- 1 min read
Isang gabi na puno ng pangamba at takot
Na kailanma'y hindi mababaon sa limot
Bawat patak ng oras ay naging mahalaga
Hanggang sa ito'y sumapit sa isang umaga
Nagising na tila ba'y parang may hinihintay
Isang mahalaga at importanteng mensahe
Tila naging larawan ang mensaheng kumupas
Na sa aking mga mata'y nag-iwan ng bakas
Sobrang inis at galit ang unang naramdaman
Matapos mabasa ang tunay na nilalaman
Pansamantalang naguluhan at nanghinayang
Sa bawat sandaling oras na aking nasayang
Nag-uunahang mga luha ang mababakas
Sa aking mga mata'y hindi makita ang wakas
Salitang masasama ay tila umaawit
Sa kung paanong ito'y umusad sa pagsambit
Kayhirap simulan ngunit kay bilis tapusin
Ng bawat pagsubok na aking nais pasukin
Kapalara'y nabigo at kayhirap tanggapin
Mailalarawan sa kaalatan ng asin
Pinili kong sumuko dahil walang pag-asa
Malabo at komplikadong ako'y umasa pa
Sa hamon ng buhay na ako mismo'y iniwan
Lahat ay sinisi sa damot ng kapalaran
Chances... October 22, 2017



Comments